Tuesday, May 10, 2011

retirement fund

- maraming pinoy ang hindi to pinaghahandaan or umaasa na lang sa anak para suportahan sila
pagtanda nila. time to reboot ung kaisipan na to pano ko ba sisimulan ung retirement fund ko?
kung nagwowork ka malamang me sss at pag ibig ka kung ofw pwede ka mag hulog pa rin. ngaun ano ba
difference nito, sa sss pag di mo nahulugan di mona makukuha. kelangan kumpletuhin mo ang hulog.
sa pagibig pag tigil mo me makukuha ka pa rin sa tamang panahon kasama na ung interest. you can verify this sa sss or pagibig officer. bukod sa sss at pagibig ano ba pwede na composition ng retirement fund ko?

ang target mo dito ung passive income, ung tipong kahit wala kang gawin kikita ung pera.

1) cash - time deposit/SDA (special deposit account) na matagal na ang maturity period
2) treasury bills and or bonds  na matagal ang maturity period
3) mutual fund/UITF - depende sau kung ano mas accessible, kung taga probinsya ka
mas ok cguro ung UITF kasi me bank at madali makontak.
4) stocks - blue chips at ung mga stocks na nagbibigay ng dividends
5) REITS  - real estate investment trusts
6) rental income

so simulan mo na rin to ngaun, i budget mo na ung sahod mo papunta sa mga andyan sa taas.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...