naghahanap ka ng mas malaking kita. mas maginhawang buhay. walang problema kung mag ofw ka. di naman pagtratraydor un sa bayan kung kagustuhan mo mapaunlad ang sarili. ano sense din nung maiwan ka sa pinas. kakaltasan ka ng tax na sobrang laki di mo alam san napupunta. nagpapadala ka ng pera as remittance bilang ng ofw na inaasahan ng gobyerno as kita.bakit di kaya sila gumawa ng trabaho sa pinas para wala na aalis.
marami na bumoto gamit ang kanilang paa. iniwan ang pinas nagstay na sa ibang bansa dahil nag give up na sa kalagayan ng pinas. sa ibang bansa nahanap ang ginhawa. ngaun kung ikaw nasa ibang bansa na tumira at guminhawa ang buhay mo tulungan mo naman ang nasa pinas. hindi sa pamamagitan ng pagsend ng pera or balikbayan boxes na puro kung ano ano stuff laman. kung kamag anak mo umaasa lang sa padala mo at nakahilata na parang pensionado itigil mo na kahibangan mo. ginagawa mo lang silang tamad. 2 bagay ang pwede mo gawin. gumawa ka ng company or trabaho sa pinas para magkaron ng hanapbuhay kapwa mo pinoy di na kelangan pa umalis at mapahamak sa ibang bansa. 2nd na pwede mo gawin, magpa-aral ka or kumuha ng scholars, ung mga mahihirap, me utak deserving at driven mag aral. pangako mababago mo buhay nila. mababago mo ang pinas. pag edukado na ang karamihan, di na sila basta basta mauuto ng mga sikat na lider lideran.
No comments:
Post a Comment