Showing posts with label money. Show all posts
Showing posts with label money. Show all posts

Wednesday, June 8, 2011

Selecting a Bank

     pano ba mamili ng bank? una dapat stable, malapit sa bahay nyo, bukas parati ung branch. kung bukas ng weekend mas ok. dapat ang bank bukas ng weekends kasi that's the time na walang pasok. hindi na kelangan mag leave or ispend ang lunch break para mag transact sa bank. madaming ATMs.

   san bank sa pinas ok? banco de oro (BDO), bank of the philippine islands (BPI) and metrobank. eto na ung big three. sa govt banks like landbank at DBP ok ba? ok lang kung wala ka access dyan sa tatlo. ok lang ba sa rural banks. wag ka sumugal dyan sa maliit na banks. delikado. madami na nagsara. eh kung sa international bank ako like citibank, hsbc, stanchart? ok lang din pero di ba mas ok kung sa pinas based ka na bank. most likely gagamitin ng bank ung pera na un para sa pinas investments.

     kung salary account naman dn ka magbank sa company mo or itanong mo san sila nagbabanko para dun ka rin. para pag salary day mabilis mo makuha salary mo. wala na delay sa transfer at maiisolate mo pa na ung bank account na un dedicated lang sa salary. iba ang personal savings account.

Monday, June 6, 2011

How to be Rich?

   simple lang. spend less than you earn and invest the difference.

   dapat imaximize ung earnings then wag gumasta na parang wala na bukas. hanap ng malaking sahod na work or multiple income na diskarte. ung kita wag gastahin lahat. maging matipid. bilin lang kailangan pero mag enjoy naman.
  
   ung investments eh hindi lang savings account or time deposit dahil napakaliit ng kita dito. maging matalino sa pag iinvest. alamin ang risk profile. mag ingat sa scam na malaking kita pero low risk.

Thursday, May 26, 2011

Source of Income

    ang average pinoy ang source of income ay ang work. pano pag nawalan ng work wala na rin income. kelangan targetin natin magkaron ng madami source of income para in case mawala ang isa. meron pa iba.
ano ung alternatives, sideline, business, investments etc. pero limited lang oras mo at kaya ng katawan mo.
dahil dito kelangan habang tumatanda ka mag move ka from active income to passive income.

Ano ba yang active income? eto ung nagbubuhos ka ng time and effort para kumita ng pera tulad ng full time job. 

Passive income naman ung after mo masetup or minimal effort mag gegenerate na sya ng pera like investments.

So habang bata ka pa isetup mo na ung active income to convert sa passive income para pagtanda mo di ka na kelangan magwork dahil kelangan at di mo na rin problema san ka kukuha ng pang gastos basic needs kumpara sa majority ng mga tao.

Thursday, May 19, 2011

Alipin ng Consumerismo

  trabaho ka ng trabaho pero wala ka naiipon. baka naman panay ang bili mo gadgets at kung ano ano stuff. wala naman masama dito basta di lang sobra. kung credit card pinambayad mo tapos di mo kaya bayaran agad mahirap yang diskarteng ganyan. baka mabaon ka sa utang. bombarded tayo ng commercials, sa tv, magazine at billboards, pati na rin sa internet. hihikayatin ka bumili ng mga bagay na di mo naman kelangan. so kakayod ka ng kakayod para makabili ng  bagong gaming console, latest gadget and madami pang stuff. kelangan mo ba talaga? try mo kaya wag bumili. try mo ung basics lang. basta me nakakain ka at naiinom na tubig, me mga damit at bubong. ok na. maglibang ka rin pero ung di kelangan gumastos. hang out with friends or manuod ng free concert or pumunta sa park.  wag ka padikta sa mga ads, goal nila na gamitin mo ung pera mo para sa produkto or service nila. isipin mo muna mabuti kung kelangan mo ba talaga at makakatulong sa pag unlad mo? di ba boring naman ung buhay pag wala ka nung mga stuff. depende sau ano nag a-add ng spice sa buhay. kung stuff nagpapasaya sau, madali lang mawawala saya mo at me lalabas na naman bago at kakayod ka na naman para bilin un. isang cycle na never ending.

Tuesday, May 10, 2011

retirement fund

- maraming pinoy ang hindi to pinaghahandaan or umaasa na lang sa anak para suportahan sila
pagtanda nila. time to reboot ung kaisipan na to pano ko ba sisimulan ung retirement fund ko?
kung nagwowork ka malamang me sss at pag ibig ka kung ofw pwede ka mag hulog pa rin. ngaun ano ba
difference nito, sa sss pag di mo nahulugan di mona makukuha. kelangan kumpletuhin mo ang hulog.
sa pagibig pag tigil mo me makukuha ka pa rin sa tamang panahon kasama na ung interest. you can verify this sa sss or pagibig officer. bukod sa sss at pagibig ano ba pwede na composition ng retirement fund ko?

ang target mo dito ung passive income, ung tipong kahit wala kang gawin kikita ung pera.

1) cash - time deposit/SDA (special deposit account) na matagal na ang maturity period
2) treasury bills and or bonds  na matagal ang maturity period
3) mutual fund/UITF - depende sau kung ano mas accessible, kung taga probinsya ka
mas ok cguro ung UITF kasi me bank at madali makontak.
4) stocks - blue chips at ung mga stocks na nagbibigay ng dividends
5) REITS  - real estate investment trusts
6) rental income

so simulan mo na rin to ngaun, i budget mo na ung sahod mo papunta sa mga andyan sa taas.

Monday, May 9, 2011

emergency fund

- mag ipon ng 6 months or higit pa na emergency fund
  ilagay sa savings account or sa time deposit
  na less than 1 yr a term. simulan na ngaun.
  pwede gumamit ng auto deduct sa salary para maipon
  or magbudget para maitabi ung pera.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...