Thursday, June 23, 2011

Life is Too Short

   me mga gusto ka gawin pero di pwede dahil me responsibilidad ka or me mga kelangan ka pa gawin or you are just making excuses. just do it. wag ka maging alipin ng analysis paralysis. ok lang magplano ka pero walang point ang planning kung wala execution. lagi ka na lang wait for that perfect moment. kung di mo magawa ngaun ung gusto mo kasi wala ka pera or me limitation. paghandaan mo ito ngaun sa kasalukuyan.

ex. gusto mo maging writer pero pano mabubuhay pamilya mo. mag ipon ka muna ng pera or passive income ngaun para paghandaan ang pagiging full time writer. pwede rin mag sideline ka na ngaun. life is too short. marami tao namamatay na marami regrets na hindi nila nagawa ang mga bagay. mas pinagsisihan ang bagay na
di nagawa kesa nagawa. so kung nakaupo ka lang ngaun nakatanga. time na para tumayo ka at kumilos.

Wednesday, June 8, 2011

Selecting a Bank

     pano ba mamili ng bank? una dapat stable, malapit sa bahay nyo, bukas parati ung branch. kung bukas ng weekend mas ok. dapat ang bank bukas ng weekends kasi that's the time na walang pasok. hindi na kelangan mag leave or ispend ang lunch break para mag transact sa bank. madaming ATMs.

   san bank sa pinas ok? banco de oro (BDO), bank of the philippine islands (BPI) and metrobank. eto na ung big three. sa govt banks like landbank at DBP ok ba? ok lang kung wala ka access dyan sa tatlo. ok lang ba sa rural banks. wag ka sumugal dyan sa maliit na banks. delikado. madami na nagsara. eh kung sa international bank ako like citibank, hsbc, stanchart? ok lang din pero di ba mas ok kung sa pinas based ka na bank. most likely gagamitin ng bank ung pera na un para sa pinas investments.

     kung salary account naman dn ka magbank sa company mo or itanong mo san sila nagbabanko para dun ka rin. para pag salary day mabilis mo makuha salary mo. wala na delay sa transfer at maiisolate mo pa na ung bank account na un dedicated lang sa salary. iba ang personal savings account.

Monday, June 6, 2011

How to be Rich?

   simple lang. spend less than you earn and invest the difference.

   dapat imaximize ung earnings then wag gumasta na parang wala na bukas. hanap ng malaking sahod na work or multiple income na diskarte. ung kita wag gastahin lahat. maging matipid. bilin lang kailangan pero mag enjoy naman.
  
   ung investments eh hindi lang savings account or time deposit dahil napakaliit ng kita dito. maging matalino sa pag iinvest. alamin ang risk profile. mag ingat sa scam na malaking kita pero low risk.

food and water therapy

    naisip mo na ba magdiet, try mo muna to. una tubig lang inumin parati. pagdating sa pagkain, wag ka kakain sa fastfood or convenience stores. try home cooked meals. kung kelangan mo kumain sa labas kumain ka nung close sa home cooked meals. try mo mag veggie parati. saka me fruits din. pinaka close sa natural foods. iwasan dn ang fried foods. masarap pero di healthy. iwasan din ang canned goods. convenient pero malamang marami preservatives. iwasan din instant noodles. after a month, tingnan mo effect. nag lose ka malamang ng weight. malaki natipid mo. humina ang sales ng fastfood at convenience stores malapit sa inyo kung ikakalat mo to sa family and friends mo. hehe

Thursday, June 2, 2011

Batman ang idol na superhero

    si batman ang idol na superhero kasi ordinaryong tao lang sya pero dinededicate nya sarili nya sa pag iimprove ng kakayahan. hindi sya galing ibang planeta at me kapangyarihan. hindi sya nakagat ng radioactive spider. hindi aksidente ang kanyang pagkasuperhero. pinili nya to. sabihin na natin super yaman sya kaya nagagawa nya gusto nya. kaya din natin mag improve tulad nya. hasain ang katawan at kaisipan. make
calculated decisions. pag isipan mabuti ang mga bagay. mag exercise at itraining ang katawan. the goal is to improve yourself. you are the best weapon. di mo man kelangan magsuot ng costume balang araw
makakatulong ka kung me kakayahan ka.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...