Siguro ngaun abala ka sa CAT or ka equivalent na training para pag 4th year ka na officer ka na. Pagtapos nyan ifocus mo na lang sarili mo sa academics and some extra curricular activities. Walang bearing yan pag apak mo ng college. Walang paki ung tao later on kung anong rank mo nung CAT ka unless siguro papasok ka sa military school. Kung ordinaryong studyante ka lang na balak mag enroll sa college, etong 4th yr ang pagkakataon mo para magsikap. Ung standing mo dito ang isa sa mga batayan para makapasok ka sa college.
di ba pinapasubmit ung grades ng high school. Eto rin ung time na kelangan mo maging mabait. Eto nga ung last year mo sa high school pero di ibig sabihin nun pwede ka na magwala or kung ano ano kagaguhan ung gawin. di naman masama ang mag parteeee basta know your limits. Sa mga extra weekends mo na wala ka magawa mag part time ka or sideline ka para kumita at ipunin to para sa 1st week ng college. Maghanap hanap ka na rin kung san ok mag college para sa gusto mo course. Alamin mo rin mabuti at magself searching kung ano talaga gusto mo para hindi later on kelangan mo magshift at madami ka na nasayang na pera. Kausapin mo guidance counsellor nyo or adviser na teacher para sa mga options mo. Sandali lang ang 1 year. Pag isipan mo mabuti ang kinabukasan mo. Wag gagaya sa iba na ok na ung high school graduate pero kaya naman mag aral.
No comments:
Post a Comment