Thursday, May 19, 2011
Alipin ng Consumerismo
trabaho ka ng trabaho pero wala ka naiipon. baka naman panay ang bili mo gadgets at kung ano ano stuff. wala naman masama dito basta di lang sobra. kung credit card pinambayad mo tapos di mo kaya bayaran agad mahirap yang diskarteng ganyan. baka mabaon ka sa utang. bombarded tayo ng commercials, sa tv, magazine at billboards, pati na rin sa internet. hihikayatin ka bumili ng mga bagay na di mo naman kelangan. so kakayod ka ng kakayod para makabili ng bagong gaming console, latest gadget and madami pang stuff. kelangan mo ba talaga? try mo kaya wag bumili. try mo ung basics lang. basta me nakakain ka at naiinom na tubig, me mga damit at bubong. ok na. maglibang ka rin pero ung di kelangan gumastos. hang out with friends or manuod ng free concert or pumunta sa park. wag ka padikta sa mga ads, goal nila na gamitin mo ung pera mo para sa produkto or service nila. isipin mo muna mabuti kung kelangan mo ba talaga at makakatulong sa pag unlad mo? di ba boring naman ung buhay pag wala ka nung mga stuff. depende sau ano nag a-add ng spice sa buhay. kung stuff nagpapasaya sau, madali lang mawawala saya mo at me lalabas na naman bago at kakayod ka na naman para bilin un. isang cycle na never ending.
Labels:
money
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment