kelangan natin ng Pera. Hindi para bumili ng madaming stuff pero para sa future, freedom at security natin.
Future. syempre para pag matanda ka na di mo na kayang magwork or kumita ng pera me pang gastos ka pa at di mo kelangan umasa sa kahit sino para mabuhay. Ok din na me maipamana ka sa mga apo mo or third generation. Hindi sobrang daming pera pero ung marami at malawak options nila sa buhay.
Freedom, kung me pera ka malaya ka gawin gusto mo. hindi mo kelangan gumising ng maaga kasi kelangan mo pumasok or gusto mo umattend sa ganitong event ng anak mo hindi ka makapunta kasi nagtratrabaho ka kelangan mo kumita. pag me pera ka malaya ka makapili ng gusto mo gawin sa araw na un. walang nagdidikta saung boss or kung anuman na pipigil sau. gusto mo magpaint pwede. gusto mo manuod ng godfather trilogy marathon buong araw habang kumakain ng spageti pwede.
Security. ex. naglalakad ka tapos pinag tripan ka kasi anak sya ng kung sinumang pontio pilato. kung wala ka pera wala ka laban. pero kung me pera ka pwede ka kumuha ng malupit na abogado para labanan sa korte ung anak. Di ba mas lalo ka malalagay sa panganib pag me pera ka. Oo un eh kung paglalandakan mo marami ka pera. Kung low profile ka. simpleng tao. simple mamuhay. manamit ka tshirt jeans style lang. wala ka alahas sa leeg, bracelet na makapal at kung ano ano pa burloloy di ka mapapahamak. sasakyan mo basta madadala ka sa pt A to B ok na. di mo kelangan ng giant SUVs na malakas sa gasolina at di kakasya sa maliit at masikip na kalsada.
No comments:
Post a Comment