Nung isang araw nagbabasa ako ng article about steve jobs, specifically sa success ng Apple as a company.
Isa sa reason ng success nila is focus sa iilang products. Bale namili lang sila ng products na gusto nila at ginalingan nila pagdesign, pag gawa at pag market. Hindi sila tulad ng ibang tech companies na microsoft and google sobrang dami ng products at lawak ng scope ng products and services. Eto proof na tama ginagawa ng Apple.
Pano mo aapply sa buhay mo to? Ganon din magfocus ka sa ilang bagay. Ilang core competencies. Masterin ang ilang products or ilang skills. Be good at it. Ex. kung IT ka focus ka kung microsoft ka or cisco products ang pag aaralan mo. Mga maximum ng lima minimum ng 4. Kung mag iinvest ka, ilang products lang din ang laman dapat ng portfolio mo. Ex. time deposit, bonds, mutual funds, stocks. pag aralan mo mabuti bawat isa.
Limited lang oras mo. Limited lang din ang kakayahan mo para icover lahat yan as an individual. In case, sa current situation mo eh nasa malaking scope ka unti unti mo tanggalin ung mga bagay na ayaw mo or di kelangan. I delegate sa ibang tao or totally tanggalin kung di naman kelangan.
No comments:
Post a Comment