Friday, September 14, 2012

Cost of Ownership

 Ano ba mga bagay ang dapat mo pagkagastusan. Mga bagay na ginagamit mo araw araw. Hindi naman sobrang mahal ang dapat mo bilin kung di ung me quality. Ano ano mga bagay na to? Kama, unan, kumot mga bagay na gabi gabi mo gagamitin. Sabi nga nila 1/3 ng buhay natin natutulog tayo. Celphone mo, araw araw mo gamit? Ano klase dapat bilin mo, ung makakatulong sau. Kung kelangan mo apps eh di smartphone. Hindi pamporma kundi dahil kelangan mo. Mga gamit pampasok sa opis. Belt, sapatos, relo, bag.Ung tatagal ng matagal. Matibay. Hindi ung every other month kelangan mo palitan. Mas mapapagastos at mapapamahal ka. Bilin mo muna ung the best your money can afford now then slowly bili ka nung the best of the best.

Thursday, December 1, 2011

break the cycle

parent mo ofw tapos ikaw ofw tapos anak mo ofw. ibig sabihin me maling nangyayari. probably ikaw ung unang ofw. parents mo ordinaryong empleyado lang or usually tatay mo empleyado nanay mo sa bahay lang plain housewife. napagtapos ka ng pag aaral tapos ikaw ang nakaisip mag ofw para mabilis umunlad. kung asa kalagayan ka na ganito. mag tayo ka na ng business sa pinas para later on ung anak mo ihandle na lang tong bisnes na to at palaguin. hindi na nya kelangan mag ofw. siguro kung mag ofw sya is by choice not by force. dahil maliit sahod kaya kelangan mag ofw. kung ikaw naman ung anak ng ofw which is 2nd generation. ibig sabihin nasa panahon mo dapat magtayo ka ng business. hindi siguro kaya ng parents mo magbisnes. so ikaw ang dapat pumutol sa cycle. kahit ano pang business yan basta masterin mo at simulan mo na. me mapagkakatiwalaan ka sa pinas na mag asikaso habang ofw ka. otherwise mauuwi lang yan sa wala.

Wednesday, November 30, 2011

Pera Pera

  kelangan natin ng Pera. Hindi para bumili ng madaming stuff pero para sa future, freedom at security natin.

Future. syempre para pag matanda ka na di mo na kayang magwork or kumita ng pera me pang gastos ka pa at di mo kelangan umasa sa kahit sino para mabuhay. Ok din na me maipamana ka sa mga apo mo or third generation. Hindi sobrang daming pera pero ung marami at malawak options nila sa buhay.

Freedom, kung me pera ka malaya ka gawin gusto mo. hindi mo kelangan gumising ng maaga kasi kelangan mo pumasok or gusto mo umattend sa ganitong event ng anak mo hindi ka makapunta kasi nagtratrabaho ka kelangan mo kumita. pag me pera ka malaya ka makapili ng gusto mo gawin sa araw na un. walang nagdidikta saung boss or kung anuman na pipigil sau. gusto mo magpaint pwede. gusto mo manuod ng godfather trilogy marathon buong araw habang kumakain ng spageti pwede.

Security. ex. naglalakad ka tapos pinag tripan ka kasi anak sya ng kung sinumang pontio pilato. kung wala ka pera wala ka laban. pero kung me pera ka pwede ka kumuha ng malupit na abogado para labanan sa korte ung anak. Di ba mas lalo ka malalagay sa panganib pag me pera ka. Oo un eh kung paglalandakan mo marami ka pera. Kung low profile ka. simpleng tao. simple mamuhay. manamit ka tshirt jeans style lang. wala ka alahas sa leeg, bracelet na makapal at kung ano ano pa burloloy di ka mapapahamak. sasakyan mo basta madadala ka sa pt A to B ok na. di mo kelangan ng giant SUVs na malakas sa gasolina at di kakasya sa maliit at masikip na kalsada.

Friday, November 11, 2011

Weekend Reading # 1

    kung wala ka magawa this weekend



Helping Hand

sa pinas marami nangangailangan at humihingi ng tulong. sino ba dapat mo tulungan? ung nakikita mo tinutulungan ang sarili. ung nagpupunyagi at ginagawa ang lahat para iayos ung problema. ung nagpapakasaya lang at freeloaders hindi dapat tulungan.
mahirap din tulungan ang taong ayaw patulong. nagmamalaki or proud kuno pero di naman kaya ang sarili.
the best is bigyan mo sya ng free will gawin nya gusto nya and move on. wag mo bigyan ng cash or kahit ano.
mag concentrate ka sa ikakaunlad na lang ng buhay mo kesa sayangin oras mo sa ganong mga klaseng tao.
kelangan magkaron muna ng epiphany ung tao or change of mindset bago mo tulungan. 

Friday, November 4, 2011

When you are young

 When you are young probably in your 20s, eto ang time na dapat mag save-invest ka at mag travel.
 wala ka pa siguro gano responsibilities. 

 1) mag save invest dahil sa reason na to

 2) mag travel dahil sa reason na to 

Friday, October 28, 2011

Focus

   Nung isang araw nagbabasa ako ng article about steve jobs, specifically sa success ng Apple as a company.
Isa sa reason ng success nila is focus sa iilang products. Bale namili lang sila ng products na gusto nila at ginalingan nila pagdesign, pag gawa at pag market. Hindi sila tulad ng ibang tech companies na microsoft and google sobrang dami ng products at lawak ng scope ng products and services. Eto proof na tama ginagawa ng Apple.
   Pano mo aapply sa buhay mo to? Ganon din magfocus ka sa ilang bagay. Ilang core competencies. Masterin ang ilang products or ilang skills. Be good at it. Ex. kung IT ka focus ka kung microsoft ka or cisco products ang pag aaralan mo. Mga maximum ng lima minimum ng 4. Kung mag iinvest ka, ilang products lang din ang laman dapat ng portfolio mo. Ex. time deposit, bonds, mutual funds, stocks. pag aralan mo mabuti bawat isa.
Limited lang oras mo. Limited lang din ang kakayahan mo para icover lahat yan as an individual. In case, sa current situation mo eh nasa malaking scope ka unti unti mo tanggalin ung mga bagay na ayaw mo or di kelangan. I delegate sa ibang tao or totally tanggalin kung di naman kelangan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...