bakit ang hilig nating mag compare ng sarili natin vs sa ibang tao. Mas madali na magcompare ngaun kasi meron ng social networks lalo na facebook. Hindi tayo dapat magcompare. Ang nakalagay sa facebook eh ung best version ng mga contacts natin. Nakikita natin na nagtratravel sila or kumakain sila sa fine dining restos and madami sila stuff. Pero di nila nilalagay na baka puro credit cards un at di na nila nababayaran. Hindi rin natin alam pinagdadaanan nila sa buhay. Hindi tayo dapat magcompare kasi di naman same starting point. Di naman pareho lahat ng opportunities at advantages meron ka at sila. Pano kung anak sila ng politiko? Madedepress ka lang kung lagi ka magcocompare.
The best na dapat ka magcompare eh sa sa sarili mo. Your present self vs old self. Kung umunlad ka ba. Kung mas wiser na ung ikaw ngaun or you still commit the same mistakes. Kung me nabago ba sa buhay mo or ganyan ka pa rin nakatulala.